
PCOS Machine: Precint Count Optical Scan unit.
Excited na ko bumoto.
Nagpaseminar kase samen ang PPCRV (Parish Pastoral Council for Responsible Voting) at nagdala sila ng sample PCOS machine. Sabi nila may 4 na aspeto ng pagboto ang mababago dahil sa pagdating ng PCOS. Ito ay ang mga sumusunod: (in english. Lol)
I. Verification of Voter's Identity
Di ba dati kapag alam mo na ung precintno. mo, lalapit ka na sa teacher at ipapahanap ang pangalan mo sa listahan. Tas pagconfirmed na ikaw un, magtthumb mark ka at pipirma sa tabi ng pangalan. Ngaun
daw, maglalagay na lang sila ng Posted Computerized Voters' List sa labas ng mga precint. Ang verification ay through computer na
daw since nakarecord na naman ang ating picture, pirma at thumbmark nung nagparehistro tau.
II. Voting
Maaaring bumoto mula 7:00am - 6:00pm. Tama. Hindi na gaya dati na hanggang alas tres lang. Dahil computerize na daw, hindi na kakailanganin pa ng mahabang oras sa pagbilang ng boto. Ang Election Returns din na dating sinusulat at ginagawa ng mga teachers (na minsan tumutulong na din ang mga watchers hehe) ay print out na din na kasinlaki na lamang ng resibo sa grocery. Oha. 8 kopya sa umang pag-imprenta. At 22 kopya sa pangalawa.
III. Counting and Canvassing
IV. Transmission of Results
Kung dati pagkatapos bilangin ang mga boto, ung mga teachers diba pupunta na yan sa mga munisipyo dala-dala ung mga ballot boxes,minsan naka-tricycle lang o kaya sa truck nasakay. Ngyon, may 2 paraan ng pagtransmit ng resulta kada presinto. Una, Electronic. Kase nga techi na tau. Ang lahat ng PCOS machine ay may mga transmission cable at may signal din na parang mga cellphone. Pina-plug ang cable kapag magttransfer na ng results to the mainframe. Bale imagine, nationwide yan. Pangalawa, Physical. Ibig sabihin ung mga printout ng PCOS ng resulta, dadalhin na din ng mga teachers sa munisipyo. Mauuna nga lang ung electronic.
Mga importante bago bumoto:
1. Precint No. and polling center
2. Magdala ng ID. (HINDI KAILANGAN NG ID sa pagboto. Kailangan mo lang dalhin incase may mag-object sa identity ko, gets?)
3. Magdala ng listahan ng mga kandidatong ibototo.
Mga inportante sa pagshade ng balota:
1. Ishade mabuti ang OVAL. Hehe
2. Pede mag-undervote. Pero hindi pede mag-overvote. Pag overvote, magiging void ang/mga kandidatong binoto mo PARA LANG SA PARTIKULAR NA PWESTO.
3. Iwasang lukutin, markahan o dumihan ang balota.
4. BAWAL MAGKAMALI ngayong election. Isang balota lang kada isang botante.
Hmm...ito ay sa tingin ko lamang base na din sa mga isinagot ng Comelec rep na nagtalk samen. ANg hacking daw ay posible kung naka-network ang system. Dba kung electronic ang transmission dapat naka-network? Pero hindi nila ito sinagot ng direkta. Sinabi lang nila na TATLONG TAON ang kailangan bago ma-hack ang ISANG PCOS unit. Kailangan din sana na may genset sa lahat ng presinto o ang sabi naman ng ilan dun, may signal nga daw na kailangan ang PCOS na parang smart/globe. Bibili daw sila ng device na tinatawag nila para hindi mawawalan ng signal sa lahat ng presinto sa lahat ng oras na ginagamit ang PCOS. Sabi din nila lahat ng presinto may isang representative mula sa Smartmatic. Odba. At ang kinatatakutan ng marame na Failure of Election? Ang ibig daw sabihin nito ay walang botohan na naganap. Na hindi naman daw mangyayari dahil magkakaron naman tau. At kung sakaling magkaproblema ang mga machine, ang sistema, o ang tao, magkakaroon na lang ng manu-manong pagboto.
Godbless the Philippines. I thankyou, bow!