Home

A.K.A · DANTON...the · chimay · killer...


MAG-INGAT

Recent Entries · Archive · Friends · User Info

* * *
ilang buwan ko din nde pinansin ang LJ.

napakarami na palang nangyare! as in super ka duper dami! nde ko lang mapigilang ikuwento ang silakbot na nangyare kahapon lamang, para sa impormasyon ng babasa nito, ako ngaun ay naninirahan sa central park bangkal evangelista. ang tinaguriang building ng mga condo units na pagmamay-ari ng one and only superstar SHARON CUNETA!

olats! sobrang olats ng central park. condo unit /tenament /bad management! oo, mura nga manirahan don at ang mabanggit mo lang na, "uwe ako condo maya" eh parang mayaman na ang dating mo. pero nde eh, may mali eh! MAY MALI TALAGA! 1st things 1st. papunta ka pa lang sa main entrance ng lugar, ang bubungad sau ay ang larawan ng maralitang lungsod ng makati. napapaligiran ang lugar ng iskwater, tbs13, creek ng basura at mga kalalakihang pag pinag isipan mong gagawa ng mabute eh masasaksak ka. nde pa yan ang catch, walo ang elevator, 2 lang ang gumagana, sa dami ng nakatira, pila hanggang cubao bago ka makauwe sa unit nio. minsan, may eksena pa sa elevator na gugustuhin mo na lang tumupi ng 10 beses sa takot. andiyan yung may guard na may kaaway na nagdedeliver ng tubig at may eksenang pukpukan batuta, may makasabay ka sa elevator na nasaksak tagiliran habang pumupulandit ang dugo sa side mo. nde pa rin ito ang catch.
walang tubig! ang tubig ay nangagaling sa maitim, mainit, malagkit na burak! at ang eksenang sa 15th floor ang unit nio, at walang elevator at isang buntong hininga na lang eh pede ka ng mamatay sa pagod sa pag-akyat. ndi pa rin ito ang catch.

nabulabog ako at ang kuya ko kahapon, bakit? nasusunog ang condo! LITERAL NA NASUSUNOG! nung una eh ayoko pa munang pansinin at baka kung san lang yon, pero nde, ng sumilip ako sa labas at ng makita kong isa isa ng naglalabasan ang mga tao dala ang mahahalaga nilang papeles, laptop, tv, ref, washing machine, sofa, kama eh nag sink in saken na seryoso na pala to. nagising na din ang kuya ko, sumilip sa bintana, ang mga tao from birds pov, ay akala mo mga taong nakatingala ng bunguuin ng eroplano ang twin towers sa new york. kinilabutan ako sa eksena dahil seryoso talaga ang pangyayare. nag empake na ako, isang back pack lang available at ang body bag. nde ko alam kung anong uunahin kong dalhin. jacket? sapatos? damet? brief? ewan, wala na ako sa ulirat at nagpapanic na din ng konte. paglabas namin, USOK! maitim na maitim na usok na nanggaling sa garbage chute. sabi ko sau, feeling ko nasa ozone disco ako. eksenang wowowee stampede sa hagdan, naguunahan ang mga tao makababa. kalmado lang ako. tinanong ako ng kuya ko kung nailock ko ang pinto, sabi ko nde ko sigurado, sabay sabi niang, yaan mo na, alikabok lang at maruming banyo mananakaw nila don.
nakakababa kami ng ground floor ng matiwasay. panic pa din ang lahat, may mga lolang inaakay, may mga batang nag-iiyakan at may mga usyosong taga labas na dumadagdag lang sa tensiyon. nagbabagsakan ang bubog sa langit. eksenang takeshi castle ang lahat. kanya kanyang takbuhan! may mga natamaan, pero wala namang seryoso. nangaling ang sunog sa 23rd floor. sinunog/nasunog ang garbage chute. nakabalik na din kami ng maluwalhati ng kuya ko sa unit. parang alang nangyare. baho lang usok. auko na! impyerno! hanap na kami ng bahay, baka linggo linggo eh may ganung eksena eh auko na talaga. nde man ako mamatay sa sunog eh mamatay naman ang mga tao sa nerbyos.
Current Location:
ihooked
Current Mood:
cold cold
* * *
* * *

<MARQUEE>...epektib ang cherifer...</MARQUEE>

* * *

dahil medyo maulan na din naman, nde ako papayag na hindi makakapunta sa lugar na 2 habang sumisikat pa ang araw! awwwts!


PRESENTING BORA NG CAVITE!!!! WOW. DI KO INEXPECT NA MAY GAN2 PA PALA KAGANDANG DAGAT SA AMIN. 

masyadong masaya dahil isipin mong kaming dalawa lang ang tao d2? as in dalawa lang kaming guest bukod sa mga marines na nagttraining on the side!



babalik ako d2...sama ka na?



awwts. come on let's join us!!! aww



anu game? tara swimming! walang tao. skinny dipping?



nilapastangan ako ng berberoka!!!

Current Location:
bahay na, sakit binti
Current Music:
muli-rodel naval
* * *


naknagtokwang umeffort talaga 2. 
hahaha. 
halatang lo budget, ikaw na tela mukha ng zombie. a
hahaha. 
confirmed ampota. 
nalaglag talaga ako sa upuan. 
KOLIMAR 
MAR 
MAR 
MAR.....
* * *
mc can mc can sagot sa kahirapan!!!

hoi. bday ko, batiin mo ko o kea, gawan mo ko ng post na may pic at lj name ko ha? mapapasaya mo na ako non. ha?

HABERDEY BOGGS!!! 20 TAON KA NG TATANGA TANGA! HEHEHE. 

trabaho pls....

Current Location:
bahay galing lamay
Current Mood:
blah blah
Current Music:
happy borday
* * *
wwwwwoooooooooooowwwwwwwww!
 

trabaho sadyang kay ilap mo! amp ka!
Current Mood:
wow wow
Current Music:
my love-justin timberlake
* * *
kumaway ang anino ng dahon mula sa
sinag ng buwan...

malungkot.

mag-isang dinadanas ng poste ang
kalamigan ng gabi...

masalimuot.

nakayakap nga ang kawayan sa kapwa
kawayan...

walang pag-ibig.

humalik ang luha sa pisngi...

poot.

tulad ng pagtingin ng isang taong
lumisan, masakit ngunit nakakaya
niyang tanggapin.

walang kapatawaran.

* * *

amp. parang ngaun napapawi ang happiness ko after graduation. parang all of a sudden, bigla kang magsisink sa kinatatayuan mo at malabo na ang natatanaw mo pataas. napanuod ko pa sa TV PATROL kagabi na 60% ng mga grumaduate ang hindi makakpagtrabaho at ang 40% daw ay mahihirapan pa. 

T
A
E
N
A
N
G

S
H
I
T
.
.
.

mahirap din pala na sobrang yabang mo at feeling mo ay kaya mong gawin ang lahat. andami ko ng job interview na pinalagpas at hindi sineryoso dahil sabi ko, "sus, call center, sisiw lang yan, kayang kaya ko ipasa" eh pucha, nag exam ako kahapon sa Etelecare, umihi lang ako sa napalayong CR pagbalik ko, pass your papers na!!! HUWATTTTTTT???? PASS YOUR PAPERS NA???? anong no. na ba ako? WOW no. 50, oo nga pala, 80 items ang exam. aun natigbak ako. napaka LOOOOOSER ko. IQ test lang hindi ko pa natapos. hanggat maari sana, ayoko muna mag call center kaya ako hindi seryoso, pero ang makita ko ang sarili kong lumalabas ng PBcom building na nakangiwi ang mukha, BAD...VERY BAD...ang sama ng loob ko. 

 mahirap pang pressured ka na. ng nanay mo. ng taga simbahan. at ng mga kapatid mo. hindi ko na iniisip magpahinga dahil gus2 ko na ding magtrabaho. sa di ko din maipaliwanag na kadahilanan, parang hinihila pa rin ako ng bahay namin at nagsasabing: "hoy, dito ka lang, magdvd ka lang, kumain ka lang ng kumain at magcomputer maghapon magdamag" WOW talagang wow. eto pa, sabi ng parish coordinator saken na ako daw ang magdirect ng play para sa holy week na to, eh dahil nga sa kaapply kong palpak, umoo ako ng hindi sumisipot sa usapan. kasalanan ko naman at karapatan nilang magalit saken. "oo na, ako na masama, ako na LOSER, ako na mataba, ako na lahat!" 

naman. ano kaya ang solusyon. ah sa mga kakilala kong ka LJ ka Friendster, ka chikahan, ka tawanan, ka kornihan, baka naman mabigyan niyo ko ng trabaho, PRAMIS, GAGALINGAN KO NA SA INTERVIEW, BIBILISAN KO NA PO SA EXAM, AT MAGPAPAIMPRESS SA INTERVIEWEE...marami pa naman akong apply na nagte2xt at nageemail saken, pero kung yung nasa LEVEL naman ng pinag-aralan ko ang maibibigay niyo, edi tara. game. bonding. tumbling.



graduation song SUCKS! THIS IS MADNESS, THIS IS SPARTA!!!!

Current Location:
bahay
Current Mood:
nginig nginig
Current Music:
oh star-paramore
* * *


wahaha, wala na kong ginawa kundi mag post ng nakakatawang entry. dahil sobrang seryoso ng pelikula namin, HOI MANUOD KA NG PELIKULETRAN! PELIKULA NAMIN YUNG "SUTANA" na grammatically error "HAVED" ang tarp at "I'M A HUMAN"  pin. wahaha. (--,)


1. black hawk down - ibong maitim sa
ibaba
2. dead man's chest - dodo ng patay
3. i know what you did last summer -
uyy... aminin!
4. love, actually - sa totoo lang, pag-
ibig
5. million dollar baby - 50 million
pisong sanggol (it depends on the
exchange rate of the country)
6. the blair witch project - ang
proyekto ng bruhang si blair
7. mary poppins - si mariang may putok
8. snakes on a plane - nag-ahasan sa
ere
9. the postman always rings twice -
ang kartero kapag dumutdot laging
dalawang beses
10. sum of all fears - takot mo, takot
ko, takot nating lahat
11. swordfish - talakitok
12. pretty woman - ganda ng lola mo
13. robin hood, men in tights - si
robin hood at ang mga felix bakat
14. four weddings and a funeral -
kahit 4 na beses ka pang magpakasal,
mamamatay ka rin
15. the good, the bad and the ugly -
ako, ikaw, kayong lahat
16. harry potter and the sorcerer's
stone - adik si harry, tumira ng shabu
17. click - isang pindot ka lang
18. brokeback mountain - may nawasak
sa likod ng bundok ng tralala
/bumigay sa bundok
19. the day of the dead - ayaw tumayo
(ng mga patay)
20. waterworld - basang-basa
21. there's something about mary - may
kwan sa ano ni maria
22. employee of the month - ang sipsip
23. resident evil - ang biyenan
24. kill bill - kilitiin sa bilbil
25. the grudge - lintik lang ang
walang ganti
26. nightmare before christmas -
binangungot sa noche buena
27. never been kissed - pangit kasi
28. gone in 60 seconds - 1 round,
tulog
29. the fast and the furious - ang
bitin, galit
30. too fast, too furious - kapag
sobrang bitin, sobrang galit
31. dude, where's my car - dong, anong
level ulit tayo nag-park?
32. beauty and the beast - ang asawa
ko at ang nanay nya
33. the lord of the rings - ang alahero

Current Music:
bruce lee - miranda july
* * *




o dba? ganda ni ederly. at e2 pa ang catch:

Dermalyn -  0922-311-4562

Chonna Mae - 0922-553-4262

Choverlyn - 0922-481-3453

Cobralyn  - 911

Prudelyn  - 0918-226-1132                                                                 

Globalyn - 0916-786-3547

Ederlyn -  No cellphone available;  please call 728-1122 makisuyo lang po 

Current Location:
virus.com
Current Music:
oh star-paramore
* * *
life can be so miserable sometime. 
not sometime but everytime.
your tired of the cycles thats happening everyday.

LIFE SUCKS, AND SO AM I!!!

Current Music:
arky girl - miranda july
* * *

 

d best c poohkyaw!!!!! wahaha!
* * *




SALAMAT DIN SA SANTIAGO OPTICAL SHOP FOR OUR EYE GLASSES! 
MALIGAYANG PATHKO THA LAHAT!!!!!!!

Current Mood:
HAFIHAFI HAFIHAFI
* * *
* * *



......because we're afraid to part ways



......afraid to wait



.....and afraid to be hurt


dahil last sem ko na sa letran! PAKSHET! nalulungkot ako!!!!!!

Current Music:
love is a battlefield - pat benattar
* * *
Ingay


Sa pag-usad ng nakabibinging katahimikan
Bigala kang bumulaga mula sa isang kusot na liwanag
Nagtanglaw ka ng mapang-akit na bulong
Sinimulan mo ito sa aking talampakan patungo sa aking tenga
Nanuot at nagmantsa sa aking mga kuko ang iyong sinabi
Akala koy guniguni,
Akala koy agiw lang ng nakaraan,
Ngunit nagising akong kayakap ang alikabok ng mapanlinlang na liwanag

(3rd place filipino poetry 4th muralla)


Paalam


Isinama mo ako nang umalis ka
Naiwan ang pagkatao ko
Ngunit dala mo ang damdamin ko
Di sapat ang paalam
Akoy naging alikabok
Sumama sa hangin
Naiwang dumi
Masalimuot
Masalimuot
Naiwang dumi
Sumama sa hangin
Akoy naging alikabok

(1st place filipino poerty 4th muralla)


salmong tugunan ang atin pong itutugon:

"ang thesis ay panis, magpakamatay pag major revision"

ulitin po natin...
* * *
tapos! tapos! yapos na ang thesis! matapos ang mahahabang chukchak sa thesis, ayun tapos na! here we go sa depens on 24! pero after nitong thesis, dumaluhong naman bigla ang ibang subject. kamusta ang radio/tv performance? may ilang mga shoot na next week ang deadly deadline. haay...pero salamat na din, kc isang malaking tinik ng barakuda ang thesis. 

***

ANG LAWS! ANG LAWS! di pa maintindihan kung papasa ba ang karamihan dito sa amin o babagsak! this past few days, umuuwi akong tulala at wala sa sarili dahil sa dami ng iniisip. nawala ulit ako ng cp, nasira ko ang video cam ko, naiwan kung bukas ang gripo sa apt. na nagdulot ng pagbaha sa buong bahay, at lahat ng yan ay hindi pa alam ng magulang ko. naputulan din kami ng telepono, pinaputol na rin ng nanay ko ang cable namin. lahat sa amin tulala, may great depression ang nararanasan ng pamilya namin. kaya ko 2. kakayanin ko 2!

***

dahil sa mga batiang, "ingat ka ha, wala kang ulo..." napaparanoid na ako. iniisip ko madalas ang mga eksena sa final destination, sa pagsakay sakay sa jeep, pagbubukas ng kalan, pag-akyat ng hagdan, lahat iniisip ko muna kung ano ang gagawin ko. may mga panahong chine-check ko sa salamin kung may ulo ba talaga ako. aba, mahirap na, ayoko pang mamatay, may thesis defense pa! pero, pero pero, sana maging ok na ang lahat. basta andiyan ka.ok?
Current Mood:
anxious anxious
Current Music:
kabilugan ng buwan - drip
* * *

I've been missing a lot this past few days. I missed school, I missed old and new friends and i MISS YOU! 
the CEBU trip was ok. masaya, maraming bagong nakilala.

matapos kong maHIGH sa chongke 2 days ago. nanibago ako sa sarili ko. pano eh first time ko. LORD, HNDI NA PO AKO UULIT PROMISE! HINDI NA PO!

ayoko ng maexperience ang lumilipad at sumisirko sirkong tricycle na sinasakyan.
ayoko ng maexperience na blurred ang image ng kausap ko.
ayoko ng maexperience ang paghiga sa kama lapat na lapat ang katawan ko.
at ayoko ng maexperience ang pagtibok ng puso ko at utak at the same time. AYAW AYAW NA!
MAGPAPAKABAIT NA PO AKO!

naman, cost cutting na sa bahay. puta. wala na kaming cable! pinaputol na ng nanay ko. R WE POOR?
marami ng insensitive na tao sa mundo. ayokong maging isa sa kanila. sana paggising ko, ok na. OK NA ANG LAHAT!

Current Location:
ithkul
Current Mood:
contemplative contemplative
Current Music:
dubidubidubidubidu
* * *

after kaming papanuorin ng Alice in a Wonderland na pang addict ng prof ko, at matutunan ng kung ano anong kasurrealan nagpalabas naman siya ng nakakaiyak na pelikula. nagustuhan ko. naluha ako e. maganda ang story, cinematography, at magagaling ang actors. kung napanuod mo na to, edi ok. ang ganda talaga eh.




"Central Station"



...pinaiyak ako nito sa klase eh. nakakaiyak.



Current Mood:
crazy crazy
Current Music:
the soup-regina spektor
* * *

Previous

Advertisement