Note:






Kanina nasa isang beauty parlor ako kasama si mama. Pansamantalang iniwan muna ako ni mama dahil magluluto raw siya ng tanghalian. Naiwan kaming dalawa ng bading sa parlor.
Bading: (Habang pina-plantsa ang aking buhok..) Gwapo ba ang papa mo?
Ako: (Iniisip ang itsura ni daddy..) Kamukha ko raw. Haha!
B: Matangkad?
A: (Iniisip pa rin si daddy..) Oo, kasi yung kapatid ko matangkad din eh.
B: Ilang taon na?
A: (Iniisip ang edad ni daddy..) 40+ na sya eh.
A: Naaasar nga un eh kasi sabi nya nakakalbo na raw sya. Eh hindi pa naman. Conscious na conscious sa buhok nya!
B: Bakit napapanot na ba?
A: Hindi naman.. Parang semi-kal lang. Ewan ko ba dun.
B: Ahh talaga.. Madalas ba kayo magkita?
A: (Medyo napahiya ako kasi ngayon ko lang narealize na ang tinutukoy pala niyang "papa" ay ang BF ko, hindi ang tatay ko!) Ngayon hindi na masyado eh kasi nga nagrereview sya para sa board exam.
B: Ay oo nga pala no?
A: ... (Hindi na ako nagsalita.)
WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA

Got this from an email. Just sharing. 
PAANO MO MASASABING MAHAL MO NA?!
- kung siya na lang ang parati mong iniisip
- kapag iniisip mo na lang parati ang kanyang kaligahayan
- handa mong gawin ang lahat para lang sa kanya
- kapag kumikirot ang yong puso tuwing siya ay iyong nakikitang may kasamang iba pero wala ka namang magagawa dahil di naman kayong dalawa
- kapag ikay nangangatog pag kayo ay magkasama
- kapag di mo lam kung anu ang iyong sasabihin kapag siya ay iyong kasama
- kapag tanggap mo na ang lahat ng kanyang pagkatao
- kapag lahat ng kapintasan sa kanya ay iyong ngustuhan mula sa mga blackheads at pimples, maging siya ay sobrang payat o sobrang taba, sobrang bansot o sobrang laki
- Kapag siya na lang lagi ang lumalabas sa iyong bukang bibig tuwing may ikinukwento ka sa iba
- Kapag napagpapalit mo ang kanyang pangalan sa pangalan ng iba
- Kapag siya na lang parati ang iyong tinatabihan manood man ng cine, kumain sa labas o kahit tumambay lang sa tabitabi
- Kapag pilit mo syang inaantay sa kahit anong occasion
- Kapag kinaibigan mo na lahat ng kaibigan nya
- Kapag kilala na siya ng buo mong barkada kahit di pa siya nakikita na mga ito
- Kapag parati ka na lang umeepal sa kanya
- Kapag di mo sya nilulubayan
- Kapag sinusulat mo ang kanyang pangalan sa iyong kwaderno
- Kapag parati mo siyang pinagmamasdan sa malayo
- Kapag sinusunod mo lahat ang gusto nya
- Kapag pinapansin mo sya parati
- Kapag parati mo syang pinupuri
- Kapag parati kang nagpapapansin sa kanya
- Kapag lagi mo syang pinoprotektahan
- Kapag ayaw mong naririnig ang pangalan nya na nababastos ng iba
- Kapag handa mo syang ipaglaban
- Kapag di ka humihingi sa kanya ng kahit anung kapalit dahil lahat ng ginawa mo para sa kanya ay mula sa puso
Oh, sa mga naka-relate dyan, pag-isipan mong mabuti. 





