|
[10 Oct 2008|05:01pm] |
| [ |
music |
| |
w-inds - love is the greatest thing |
] |
Pareho ng nakaraang meme, pero medyo iba! Ninakaw kay squeakyorm!
I want everyone who reads this to ask me 3 questions, no more no less. Ask me anything you want (though I reserve the right to not answer or to answer evasively). Then I want you to go to your journal, copy and paste this allowing your friends (including me) to ask you anything.
Dahil bored ako at gusto ko pang sumagot ng mga tanong at ayoko pang tapusin ang dalawang one-page papers ko lalala~ Pwede ang anonymous comments!
kyoy, pakitanong na lang ulit yung tanong mo last time. Pati kung may mga na-miss akong mga tanong noong nakaraan, paki-copypasta na lang OTL
|
|
| MULA SA PAMPANGA~ |
[27 Sep 2008|01:55pm] |
| [ |
mood |
| |
bored |
] |
Hai gaiz! Ako ay nasa Pampanga, at ako ay namamatay na dahil walang ibang pwedeng gawin dito maliban sa manuod ng TV at kumain ng pagkaing siksik/liglig/umaapaw sa cholesterol. Kaya uh. HI GUYS. Alam kong nagpost na ako kanina, pero wala talaga akong magawa haha.
Nandito ako ngayon, kasama ang aking mga magulang at mga kapatid, sapagkat kahapon ang ika-75 na kaarawan ng aking nagiisang buhay na lola. Maraming pagkain, maraming bisita. Sayang nga lang kasi wala ako sa mood na makipag-usap sa mga tao sa labas nitong kuwartong pinagtataguan ko. Wala naman kasi silang ibang pinag -uusapan kundi ang mga pinsan kong delinkwente.
Matatamaan lang ako.
Matagal-tagal na rin akong hindi nakakauwi dito, nakakamiss rin yung katahimikan.
Kanina, binisita ko yung isa sa mga anak ni Shane, isa dun sa batch ng Lab/Malinois puppies na pinost ko dito noon. Binili kasi siya ng isa kong tito, yung tumutulong dito sa lola ko kapag wala kami dahil mag-isa na lang siya. Hindi niya (yung tuta) ako nakilala nung umpisa, pero naamoy niya siguro yung nanay niya kasi tumigil din siya sa pagtahol mayamaya.
Uuwi rin daw kami bukas ng umaga.
...ang random ng post na ito. Walang ka-sense sense.
|
|