_doughgirl_ ([info]_doughgirl_) wrote,
  • Mood: frustrated

blisters.

isang panawagan/liham/whatever kind of crap:...

para sa mga nakakarami na may alam, ikinagagalak ko na sabihin (o ipabasa) sa inyo na inaayos ko na muli ang mundo ko (its high time na siguro diba?) pero salamat sayo.. dahil nandyan ka parin...

as for myself, may isa akong mabuting kaibigan na nagsabi na kung mahal mo ang isang tao, wag ka magbago para sa kanya, kung magbabago ka wag na wag mo gaiwng dahilan ang "kasi mahal ko sya..at gusto nya magbago ako..(blah blah and all that crap)".. at kung sakali man na darating yung panahon na dapat magkahiwalay na kayo, wag ka muli magbago, kung ano ka noon, dapat ganun parin kasi kung magbago ka nga ang naging dahilan ng pagababgong iyon ay yung taong mahal mo.. walang growth pagdating sa ganung sitwasyon...(gets?!)

kaya salamat ulit sayo..

nung isang gabi, sinulatan ko yung sarili ko habang umiiyak nang sandamakmak (walang humpay na pagluha hanggang ngyon, oo, paksyet. hanggang ngayon)... sabi ko sa sulat ko sa sarili ko (nye. abnoy noh?), "tumigil na ang pagikot ng mundo nyo ni *toot!* sa isa't isa, sabihin na nga nating umiikot parin ito sa inoyng dalawa ngunit tiyak ay sa isang mas mababa na level na... kaya tama na. ayusin mo na ang mundo mo"

kaya salamat  ulit sayo. i guess kahit hindi mo naman alam, parang biglang may force of ewan na nagsabi sakin na ayusin ko na buhay ko...

naiinis ako lately kasi feeling ko patapon lahat ng ginagawa ko at wala akong nadarama na sense of fulfillment, (baka sakaling may conneciton ito sa paragraph#3), then napagtanto ko na kaya siguro ganun ay dahil hinahayaan ko na maging ganun at hindi ko minamahal ang trabaho ko.

yuck. "mahal". i hate that word. balik sa pagiging philophobic na ako..pero patuloy parin akong magmamahal..kahit na nakakamanhid na at you're-so-close-but-still-a-world-away ang sitwasyon. haha. pero seryoso, aayusin ko na ang mundo ko.

bow.

***post script..: magbabawas na rin sa yosi. hindi naman kaya talaga takpan ng usok ng yosi ang mga problema ko (tulad nung sinulat ko sa huling entry), and bakit kelangan takpan, kung pwede ko naman itong ayusin?

***post post script..: diba pag bibili ka ng sapatos na mas maliit sayo yung size (or minsan pa nga kahit sakto), may tendency na magka blisters ka...minsan o kadalasan, ganun pagdating sa love, kahit ok, bawal or mali or kung anu man, tas pinipilit parin, may tendency na mahurt... so pano ba yun... should one take the risk of getting blisters?  heck, why not diba.

***post post post script: sabi nung kasama ko sa org, hindi mahalaga kung ilang beses ka nadapa,pero ang mahalaga ay yung ilang beses ka tumayo..pero ang masakit dun ay yung nadarama mo parin yung sakit ng pagkadapa mo... ay.oo nga naman!!!

ayun. bow.


  • Post a new comment

    Error

  • 1 comments

[info]nikkeorite

July 30 2005, 18:25:01 UTC 6 years ago

don't worry... it usually just takes time! :)

tignan mo ako, kahit soooooooobrang tagal na panahon (HAHAHA=D) i'm finally totally over and healed. o dba?

it happens to the best of us. we just have to learn to suck it up. SMILE :D
Create an Account
Forgot your login or password?
Facebook Twitter More login options
English • Español • Deutsch • Русский…