bakit pag ayaw mo umulan, umuulan? pag gusto mo umulan, hindi umuulan.
bakit pag bumabyahe ka sa bus at me naglalako ng mani, lagi nilang sinasabi na bagong luto yung mani, umaga, tanghali o gabi man? kahit madaling araw, bagong luto yung mani?
bakit pag gusto mo ng milo, walang milo? pero bakit kape laging meron?
bakit pag hindi sikat yung banda, sila yung mas maraming tinutugtog?
bakit pag sinabi ko 2 piece bbq stick lang, binibigyan parin ako ng kanin?
bakit mas mahal ang siomai sa bbq?
bakit yung aircon minsan sobrang lamig? minsan sobrang init? hindi ba pwede normal lang?
bakit pag naglalakad ka at me mabagal sa harapan mo, di ka maka-overtake?
bakit minsan pag gusto mo mag-overtake, hihinto pa sila sa harapan mo at magdidiskusyon?
bakit pag galing cebu dapat lagi ka me dalang otap, dried mangoes at turones de mani?
bakit pag gusto, hindi pwede? pag ayaw, walang lusot.
bakit ang mahal na ng gasolina?
bakit pag nakasulat sa pader bawal umihi, ang panghe pag napadaan ka dun?
bakit pag naglalakad ka mag-isa o bumabyahe mag-isa, minsan pa-emo effect ka at contemplating kuno?
bakit nagiging mainstream na ang indie?
bakit kahit nagpapagupit ka, me split ends parin?
bakit kahit na anong trabaho pasukan mo, kahit gusto mo yung trabaho mo, minsan talaga ayaw mo nalang pumasok at gusto mo na mag-quit?
bakit lahat ng tao hindi kontento?
bakit pag naka-auto in ka, me queue? pag break/lunch ka, wala.
bakit ginagastusan ang mga walang kwentang super corny na pelikula?
bakit yung mga artista dito, halos lahat hindi marunong umarte?
bakit me ibang tao, kahit lamon ng lamon, hindi tumataba?
bakit nadadala ka sa peer pressure?
bakit yung ibang bagay pag hindi mo hinanap, chaka mo makikita?
bakit pag drugs hinanap mo, wala kang makita? kahit hindi mo hinanap, wala ka pa ding makita.
bakit masa=jologs?
bakit lagi tumataas pamasahe sa jeep?
bakit pag nasugatan ka, sinasabi may lalabas na pari o kaya kanin?
bakit minsan pag wala kang ginagawa, nabo-bore ka? pero pag me ginagawa ka, gusto mo tumunganga lang.
bakit minsan nakakatamad manood ng palabas?
bakit minsan ang hirap bumangon sa kama at nakakapika ang alarm?
bakit sa banyo lagi me ipis? kahit wala namang way para makapasok sila dun?
bakit pag nagising ka sa umaga na ihing-ihi, pag pumunta ka sa banyo, me gumagamit?
bakit kelangan me mandatory ot?
bakit pag me nakita kang isang taong me muta o taong naglilinis ng mata, lilinisin mo din mata mo?
bakit kelangan laging me itlog at pandesal pag breakfast?
bakit lahat ng opisyal sa gobyerno mayaman?
bakit pag kumain ka ng longganisa, pag dumighay ka lasang longganisa parin kahit gabi na e agahan mo pa kinain yun?
bakit pag babahing ka na, minsan hindi natutuloy?
bakit pag may nakita kang humihikab, nahahawa ka kahit hindi ka inaantok?
bakit tinangal nila yung friendster horoscope? :(